#life, Filipino

Magandang Buhay! 

Bakit ba ganyan ka? Minsan gusto na kitang bulyawan. 

Para lang sana ipaalala na hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. 

May dinadala rin ang ibang tao. 

Hindi ka pinaparusahan ng langit na lagi na’y pakiramdam mo. 

Sinasabi mo laging hindi patas ang buhay. 

‘Di kaya mali? Bakit isisi sa buhay? 

Ika’y mali. Ang hindi patas ay tayo-ang tao. 

At ang hindi patas ay isisi sa buhay ang bawat problema, kamalasan o disgrasya. 

Bakit mo nga ba ‘yan ginagawa? Siguro dahil wala lang tayong ibang makita.  

Hindi natin matanggap na ang mundo’y hindi perpekto.

At minsa’y imposible ang maraming ideya na meron tayo; malayo sa totoo.

Maganda ang buhay; Ang buhay ay maganda. 

Ang sarap sabihin diba?

Kaya’t huwag kang magpaapekto sa mga problema. O mas malala’y idamay rin ang iba. 

Sa halip manisi at magsisi, subukan mo kayang isigaw: Magandang buhay! 

Hindi solusyon pero makatutulong upang iwasto ang mga mali nating perspektibo

Ito’y isa sa mga laban ng mundo. Ang laban kung saan panalo yaong laging positibo 

2 thoughts on “Magandang Buhay! ”

Leave a reply to Linya101 Cancel reply