Sapat Na 

Di sinasadya o baka tadhana

Minsang pagsasama tila iniadya:

Isang tag-init tayo’y nagkita;

Hindi mapagtanto kung paano, 

‘Di rin mawari dahil bago,

Magmula noo’y isinilang 

Isang payak na paghanga

Sa munting puso ko;

Minsang pagtawag sa pangalan ko bigla

Ay naghatid ng lihim na sigla

Malakas na mga pintig, kaba

Mabuti’y naikubli pa

Di tuloy makatitig

Sa nangungusap mong mga mata

Di rin alam pano salubungin

Tamis ng iyong ngiting kakaiba

Kaya sa tuwina’y pasensya na

Sana’y ‘wag magtampo o mabwisit ka

Kung sa ating bihirang pagtatagpo

Madalas, ako’y umiiwas pa 

Nais kong alayan ka nitong tulang linikha

Ngunit ‘ wag mangamba

Ako nama’y hindi naghahangad ng sukling pagsinta

Sapat na ang ika’y nakilala;

Wala man sa loob ang magpaalam na,

Alam kong nalalapit na, paglao’y di na magkikita

Maikli man ang panahon ng ating naging pagsasama

Sa puso ko’y may puwang ka, 

Sapagka’t sa akin, sapat na

Di man nasambit; sa akin inspirasyon ka


(2014) 

Advertisements

One comment

  1. minsan, gusto kong magsulat ng tagalog…
    sa kasamaang palad, hindi ko na kayang makabuo ng sentence na walang english…
    kaya ini-english ko na lang lahat
    Nice poem by the way
    Minsan, nakokornihan tayo pag mother tongue yung gamit natin (pero pag nagawa mong i-express ang isang damdamin through mother tongue, true feelings talaga un)
    nakakainggit, hindi ko na halos kayang i-express ung sarili ng pure tagalog lang…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s